Saturday, July 2, 2016

Tatanungin kita ulit

Hello.

Alam kong pagod ka na. Masyado na bang masakit? Kaya mo pa? Lalaban pa ba?

"The world is unfair."
Yes, it is. Ikaw na nga 'tong kinaya na ang lahat, ikaw pa ngayon ang dumadanas ng hirap. Sinubukan mong lumaban pero kumusta ka naman ngayon? May luha pa bang mailalabas? May pekeng ngiti pa bang maiguguhit? At may tatag ng loob ka pa bang natitira?

Tanong ko din yan sa sarili ko kaso wala pa akong masagot. Hindi ko alam kung bakit. Nakakapagod kasi kahit sa panaginip, minumulto ka niya, o sabihin natin na yung ala-ala niya ang humahabol sayo. Pilit kang pinapabalik sa nakaraan. Tangina naman, paano ka makakabangon niyan kung sa paghiga ko pa lang ay ang bigat na ng dala mo sa utak. Sinusubukan mong huwag na ungkatin kung ano mang meron noon kasi baka mabuhay ulit ang pag-asang magiging okay pa kayo, babalik ulit lahat sa normal, at walang bibitaw sa inyong dalawa. Think again.

Alam mo sa sarili mo na may iba kang priorities kaya nga naghahanap ka ng diversion diba? Kung anu-ano na lang pinaggagawa mo sa buhay mo para lang mas maging productive ka, o sabihin na lang natin para makalimot ka. Sa dulo ng bawat araw, sasabihin mo na naman sa sarili mo, "Bukas, magiging okay lang din lahat." Magiging okay nga ba? O niloloko mo na naman ang sarili mo? Pero diba wala namang mawawala kung susubukan mo pa ring maging okay sa kabila ng lahat. Patuloy mo lang yan.

Gigising ka na naman ng madaling araw dahil ayan na naman siya. Nakakapagod na, hindi yung paggising ng alas tres ng madaling araw kundi ang pabalik-balik na emosyonal na sakit dahil sa bangungot ng nakaraan. Ayan, andiyan pa pala yung larawan niyong dalawa sa phone mo, hindi mo pa ba itatapon yan? Andiyan din yung bigay niyang mga roses, bubuhayin mo pa ba yan? Andiyan din yung mga ala-ala niyong dalawa na ayaw kang lubayan tangina, ang clingy, hindi mo pa kakalimutan yan? Yung tipong gusto mo ng sabihin sa kanya na tama na, ayaw mo na, hayaan ka na niya pero kaya mo ba? Ang sarap niyang sumbatan, at ipamukha  sa kanya lahat ng sakit na dinadanas mo ngayon pero di mo kaya... kasi mahal mo pa siya.

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo..."

Ganito yan, gusto mo ng tapusin lahat kasi alam mong wala na ding patutunguhan kong ano mang meron kayo ngayon. Hindi kayo, walang kayo, wala kang karapatan sa kanya, at wala din siyang karapatan sayo. Pero para saan pa lahat ng pinagdaanan niyo? Kahit yan na lang itanong mo sa kanya, "Ano ba ang halaga ko sayo? Ano ba ako sa iyo?". Sana may lakas din akong itanong yan kaso hindi kakayanin ng puso. Kakayanin ko pa rin naman pero hindi muna ngayon. Ikaw, kaya mo ba? Para masagot na ang mga katanungan mo. Kung hindi ka pa handa, okay lang naman yan pero sana handa ka sa mga kapalit nitong panahon ng pagtitiis muna ng sakit, kirot, luha, at pagod. Makakaraos ka rin. Pero sa tingin mo ba,worth it ang lahat ito sa huli? Nasa sa iyo pa rin ang desisyon. Mali ang maging martyr pero kung bibigyan natin ng pagkakataon ang ating mga sarili sa tamang panahon at may saktong limitasyon, mas okay yun. Mahirap pero nagmaghal ka, parte yan. Maghihilom din ang sakit, kakayanin mo yan, at laban kung may pinaglalaban pa.

Ngayon, tatanungin kita ulit. Masyado na bang masakit? Kaya mo pa? Lalaban pa ba?